Deboto

0
30

ILANG araw na lang at sasapit na ang pista ng Itim na Nazareno. Isa ka ba sa milyun-milyong deboto Niya?

Araw na pinaka-hihintay ng lahat ng mga deboto upang magpasalamat sa Panginoon. Araw ng mga debotong naniniwala sa himala ng rebultong ito.

Karamihan sa mga dumadalo, himala ang daing — himala para makaahon mula sa kahirapan at himala para mapagaling ang kaanak na may sakit.

Taun-taon, tuwing sumasapit ang ika-siyam ng Enero, dinaragsa ng tao ang mga kalye ng Maynila upang masilayan, mahawakan at mahalikan ang imahe ng Itim na Nazareno.

Kasiyahan na nilang makahawak lang kahit sa hibla ng lubid na naghihila sa karosang nagdadala sa rebulto at iniikot sa buong Maynila.

Nakakamanghang marinig ang mga deboto ng Itim na Nazareno na nag-uumapaw ang pasasalamat sa Diyos sa himalang natatanggap.

Pero sana, hindi lang sa pista ng Itim na Nazareno ang ating panata sa Panginoon. Sana, kasama ito sa araw-araw nating pamumuhay.

LEAVE A REPLY