Diet assistant

0
44

SA wakas, mukhang magtatagumpay na ang pagda-diet ko dahil nga babawas-bawasan ko na ang pag-inom ng softdrinks dahil unti-unti nang tumataas ang presyo.

Ayos ito, bawas gastos na, bawas timbang pa. Hahaha!

Ramdam na ng ilan ang epekto ng tax reform law sa ilang matatamis na inumin.

Sabi nga ng ilang mga isang tax expert, posibleng tumaas din ang presyo ng ibang pangunahing bilihin dahil sa mas mataas na excise tax sa petrolyo.

Ayun lang… makakatipid nga sa hindi pagbili ng mga softdrinks pero mukhang babawiin naman sa pamasahe.

Sana naman kung magdadagdag sa pasahe, huwag naman yung garapalan, yung nasa tamang taas lang. Ang bigat kaya sa bulsa pag kailangang umuwi sa malayo tapos nagko-commute lang.

LEAVE A REPLY