New Year’s wish

0
25

ILANG araw na lang, bagong taon na… natupad mo ba New Year’s Resolution mo last year o baka drawing na naman?

Marami ngang excited tuwing darating ang January 1 dahil nga sa ilang tradisyon na nakasanayan ng mga Pilipino tulad ng Media Noche, paglalagay ng barya sa mga bulsa, pagtalon sa mismong 12AM ng January 1, paagawan ng barya, pagpapagulong ng mga prutas, New Year’s countdown at ang pinakahihintay ng marami ay ang pagpapatutok tuwing sasapit ang New Year.

Pero dahil nga sa pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order na naglilimita sa paggamit ng mga paputok upang mabawasan ang aksidenteng maaaring idulot nito, hindi na rin basta-basta makapagpapaputok ang publiko dahil kinakailangang naaayon sa batas ang paggamit ng mga pyrotechnic device.

Pero maganda naman ang kinalabasan ng paglilimita ng paggamit ng paputok kasi, ayon sa DOH, 60 percent ang binaba ng bilang ng mga naputukan ngayong taon, kaya marami ang nakangiti at kumpleto ang daliri sa susunod na taon.

Kaya kung magpapaputok ka sa darating na Bagong Taon, doble ingat ha, lalo na kung bata ka pa.

LEAVE A REPLY