Divi-Divi

0
29

“BENTE-BENTE lang, dito na kayo mga suki”

“Bili na mga suki, may bawas pa!”

Ito ang karaniwang maririnig kapag nagpunta ka sa sikat na pamilihan na ito.

Buhay na buhay sa panahon ng Kapasukuhan ang lugar na Divisoria. Bukod sa malapit sa siyudad, makakabili ka dito ng mga kasangkapan na abot-kaya lang at puwede pang tawaran, kaya hindi nakapagtataka kung bakit ito dinadagsa.

Nagdudulot din ito ng pagsikip at pagbagal ng usad ng trapiko sa Maynila.

Ngunit isa sa mga nagiging problema dito ang paglaganap ng krimen sa mga kalsada at nangunguna sa paggawa ng krimen dito ay ang mga snatchers at mga miyembro ng Salisi gang, kaya ang mga kapulisan ay mahigpit ang pagbabantay sa bawat sulok ng nasabing lugar.

Dito mapapatunayan na walang pinipiling lugar o oras ang mga masasamang loob, kaya kailangan ng doble-ingat at pagtiwalaan ang mahigpit na seguridad ng ating mga kapulisan upang maparusahan ang mga gumagawa nito at wala nang mapahamak pa.

LEAVE A REPLY