Solusyon nga ba?

0
27

NGAYONG nalalapit ang Kapaskuhan, lalong lumala ang trapiko sa Metro Manila.

Nagmimistulang parking lot na ang mga kalsada partikular ang EDSA, at para maibsan kahit papaano ang trapiko, may bagong ipinapanukula para dito.

Napagkasunduan ng Metro Manila Council na ipatupad ang “high occupancy vehicle (HOV) lane kung saan magbabawal sa mga sasakyang ang nagmamaneho lang ang sakay.

Kung ako ang tatanungin, pabor ako sa panukalang ito. Marami man ang tutol dito, subalit bilang isang commuter na araw-araw nakakaranas ng matinding trapik, malaking tulong ito. Isa ito sa napakainam na solusyon, ang bawasan ang sasakyang dumadaan sa kalsada. Hindi lang luluwag ang daloy ng trapiko, makakatulong din ito sa isa pang problemang kinakaharap natin, ang polusyon.

Sa kabila nito, anuman ang ipatupad upang lumuwag ang daloy ng trapiko, kung hindi magiging disiplinado ang lahat, balewala din ang lahat ng ito.

Sa ganitong pagkakataon na may malalang suliranin sa trapiko, kailangan ang pagkakaisa at pagtulungan ng lahat upang maibsan ang problema.

LEAVE A REPLY