One year pa more!

0
13

SA gulo dito sa Pilipinas, hindi na nauubusan ng karahasan at kriminalidad. Kaya kailangan na siguro ng kamay na bakal upang matuldukan ang mga ito.

Ngunit bilang isang lider ng isang bansa, paano mo ito magagawa kung maraming kritiko ang nais humadlang sa iyong nais na kapayapaan para sa iyong nasasakupan?

Sa ngayon, martial law ang isa sa mga paraan na nakikita ng ating mahal na Pangulo upang magkaroon ng katahimikan sa Mindanao. Isang taon pa na pagpapatuloy ang hiling niya para dito.

Pero ang tanong ng marami, sapat na solusyon ba ito para makamit ang katahimikan sa rehiyon?

Para sa akin, kahit hindi ako taga-Mindanao, suportado ko ang desisyon ng Pangulo.

Bakit?

Dahil una sa lahat, ang Pangulo ay taga-Mindanao, kaya alam niya ang kadalasang nangyayari doon at pangalawa, totoong laganap ang gulo sa Mindanao, lalo na noong napasok ng Maute ang Marawi — at maging sa ibang lugar doon ay may mga terorista.

Isang taon pa ng martial law ang hiling ng Pangulo para dito. Nawa’y irespeto na lang ang kanyang desisyon sapagkat bukod sa kanyang mataas na posisyon, alam niya ang kanyang ginagawa.

Ito ay para din sa kapakanan ng nakakarami.

LEAVE A REPLY