Alis na, please?

0
32

PINAGBIBITIW sa puwesto ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Land Transportation Office Chief Edgar Galvante sa kasagsagan ng hearing ng House Committee on Transportation.

Sinabi ni Alvarez na dapat nang magresign si Galvante dahil hindi nito kayang masolusyonan ang problema sa plaka.

Kung susundin ang “due process” kailangan munang imbestigahan kung may kinalaman nga si Galvante sa pagbagal ng pamimigay ng plaka o kung kasalanan talaga ito ng nakaraang administrasyon.

Magugunitang pinahinto ng COA noong 2015 ang P3.8 billion na plate standardization program ng LTO at pinahinto naman ng Supreme Court noong 2016 ang pamamahagi ng Customs sa mga plaka dahil hindi nakapagbayad ng Customs duties ang supplier, kaya ang katwiran ng LTO ay hinihintay pa nila ang resolusyon ng Supreme Court sa nakabinbing kaso at hiniling na rin sa COA na repasuhin na ang pagpapatigil sa naturang proyekto.

Nabasa ko sa isang pahayag na sinabi ni Galvante na nakabinbin sa korte hanggang ngayon ang mga kaso kaugnay ng pagbili ng mga license plates noong 2013 at may TRO din ang Korte Suprema kaya’t hindi nila maipamigay ang nasa 700,000 plaka na itinurn-over ng BOC.

Dinagdag pa ni Galvante na may bago nang magsu-supply ng mga plaka at inaasahang sa Marso ng susunod na taon darating ang initial na delivery.

Pero kung talagang titingan, ang hindi pagtupad ng mga kawani ng gobyerno sa kanilang sinumpaang tungkulin na nagdudulot ng pagpapahirap sa mamamayan ay isa nang malaking batayan upang magsi-alis na sila sa puwesto.

Kahiyaan na dapat iyan, delicadeza na ang dapat pairalin diyan.

LEAVE A REPLY