May aaminin nga ba?

0
15

ISA sa mga pinakamatunog na pangalan ngayon sa pulitika si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ngunit ano nga ba talaga ang nasa likod ng pambabatikos sa kanya?

Sinasabing sangkot siya sa pangungurakot dahil ang ilang patunay dito ay ang kanyang hindi maipaliwanag na yaman kagaya ng mga mamahaling kotse at pagpunta nito sa iba’t-ibang bansa. Pilit siyang hinahatak pababa at ang iba ay naglabas pa ng ebidensya.

Pinagtataka din ng karamihan ay ang hindi nito pagharap sa mga pagdinig.

Masasabi ba natin na may tinatago talaga siyang sikreto o natatakot siya sa posibleng mangyari? Pero sa aking opinyon kung alam mo naman na malinis ang hangarin mo sa bayan, bakit ka matatakot?

Sana nga ay tuluyan nang makabangon ang bansa at mawala na ang mga kurakot na sumisira at nagpipilay sa ating mahal na bayan, sana magising na din ang mga taong mali ang sinusuportahan sa pamahalan.

LEAVE A REPLY