The season of giving

0
13

Malapit na mag-Pasko, handa na ba kayong magtago sa mga inaanak ninyo?

Nako, kung hindi pa, pumunta na sa Divisoria para makatipid sa pangregalo. Alam niyo naman na ang mga inaanak niyo ang excited sa Pasko.

Sabi nila, ang Pilipinas daw ay isa sa pinakamasayang nasyon at ang pinakamatagal magdiwang ang Kapaskuhan.

Pero bakit nga ba?

Ilan nga sa mga dahilan ay ang pagbibigay ng aginaldo, maraming handa, may Christmas bonus, bakasyon, at kung ano-ano pa.

Bukod sa mga iyan, isa nga sa mga inaabangan ng mga kaibigan nating Katoliko ay ang “Misa De Gallo” o “Simbang Gabi” na ginaganap tuwing December 16-24. Sabi nila, kapag nabuo mo ang Simbang Gabi pwede kang mag-wish at ito daw ay matutupad.

Kaya nga nung bata ako, lagi ko binubuo ang Simbang Gabi pero ni minsan naman hindi natupad ang mga wish ko.

Pagkatapos namin mag-Simbang Gabi ay kakain kami ng puto bumbong o bibingka. Nakaugalian na namin ito kaya maituturing na itong parte ng kulturang Pinoy.

Pero alam niyo ba kung anong parte ng Pasko ang pinakamasaya sa lahat?

Ito ay ang pagse-celebrate na magkakasama sa Noche Buena.

LEAVE A REPLY