Why Aguirre for senator?

0
12
DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II is surprised from the House leader's announcement. (Roy Pelovello photo)

What’s on Speaker Pantaleon Alvarez’s mind for wanting Justice Secretary Vitaliano Aguirre II to run for senator in 2019 under the Partido Demokratiko Pilipino’s ticket. He tells a reporter in an ambush interview on Monday as follows:

Q: Yung sinabi niyo po kanina, yung kay Justice Secretary Aguirre?

Alvarez: Oo. Sa aking pananaw ay bagay rin si Secretary Vit Aguirre mag-senador. Siguro, para… upang sa ganoon ay mas matulungan niya yung ating Pangulo.

Q: So you will try to convince…

Alvarez: Ano po?

Q: You will try to convince the President na i-include si Aguirre?

Alvarez: Yes, I will highly recommend the inclusion of Secretary Vit Aguirre sa ticket ng administrasyon sa PDP.

Q: Sir, si Senator Pimentel po, bakit wala doon sa…

Alvarez: Ay hindi, kasi… hindi, si Senator Pimentel naman, talagang nandoon na yun. Re-electionist siya at saka he’s the president of the party. Hindi ko na kailangang banggitin siya dahil talagang kasama siya doon. Siya yung maghi-head ng senatorial ticket namin.

Q: Sir, sabi ni Presidente…

Q: Sir, sabi niyo mabagal yung pagpasa ng batas…

Alvarez: Ay mabagal, mabagal talaga… dahil… well ,anyway, lalabas naman sa mga pahayagan yun. Ipa-publish namin yung mga batas na ipinasa namin na nandodoon na ngayon sa Senado.

Q: Sir, paano yung process ng pagpili niyo ng lineup? Sino po ang nagde-decide?

Alvarez: Ano iyan, yung mga officers ng partido, yun po ang magdedesisyon at pinaka-importante diyan, yung ating Presidente, kasi siya yung chairman ng partido.

Q: So nothing is final pa rin?

Alvarez: Wala pa. Ano pa lang iyan, mga proposals pa lang iyan.

Q: Baka next year pa iyan, sir?

Alvarez: Oo. Kasi 2019 pa naman yung eleksyon.

Q: Nabanggit niyo na iyan kay Secretary Aguirre?

Alvarez: Binanggit ko sa kanya kanina…

Q: Anong sabi niya? Anong reaksyon niya?

Alvarez: Ngumiti lang. (laughs)

Q: Sir, paano niyo iko-convince ang Pangulo? Ang sabi niya na hindi niya patatakbuhin yung mga members ng Cabinet?

Alvarez: Malayo pa naman yung 2019. So in between baka makumbinsi rin si Pangulo.

Q: Yung kay Mocha, ano rin yun? Pinag-usapan ng officers ng party o ano po…

Alvarez: Ay, hindi pa… Lahat ng mga binigay ko sa inyo na listahan, ito ay mga temporary list. Pero ako, I really believe na Mocha would be a very good candidate.

Q: Personal choices niyo sir, yung mga…?

Alvarez: Oo, oo.

Q: Bakit sa tingin niyo sir, dini-disqualify ng iba…

Alvarez: Qualified naman… oo. Para sa akin, I think she has a genuine heart for the Filipino people.

Q: Pero sabi sir, na-surprise din daw siya at…

Alvarez: Ha?

Q: Na-surprise daw siya at hindi daw siya tatakbo?

Alvarez: Lahat naman tayo nasu-surprise. Parang si Secretary Vit Aguirre rin, na-surprise din kanina.

Q: Sir, ano daw po ang reaksyon niyo po… sabi po ni Chief Justice Sereno sa interview kanina na kayo raw po yung nasa likod ng impeachment against her?

Alvarez: Alam niyo, marami na siyang sinasabi. Para sa akin, harapin na lang niya yung problema niya. I mean, mayroong reklamo laban sa kanya. May nag-file ng impeachment, now, argue on the basis of merit. Huwag mo nang ilihis yung usapan kung saan-saan. Anyway, mag-uumpisa naman yung committee hearing, inimbitahan siya. Ngayon kung talagang she feels and she believes na wala talaga siyang kasalanan, malinis siya, well, hindi ka dapat matakot na humarap kahit kanino.

Q: Sir, yung kampo niya, said that she’s not inclined to attend sa Wednesday na hearing…

Alvarez: Alin po?

Q: Yung camp niya sir, hindi daw inclined na mag-attend si CJ… because she has a lot of functions to do…

Alvarez: Okay. Okay lang sa amin yun, hindi ka mag-attend. But it doesn’t mean na hindi tutuloy yung committee hearing.

Q: So you cannot compel her…

Alvarez: Tutuloy… Didinggin namin yung kaso, yung reklamo. Yung mga ebidensya titingnan namin. Pakikinggan namin yung mga accusers niya, yung mga witnesses. Pakikinggan namin, at magdedesisyon kami kung dadalhin namin yun, kung dadalhin namin yun sa impeachment court.

Q: Yung right to cross-examine po, sir? Kasi yun po ang…

Alvarez: Alam niyo, yung right to cross-examine, actually, magagawa pa yun doon sa impeachment court, puwedeng gawin yun.

Q: Hindi sa Justice Committee?

Alvarez: Pero sa ngayon, dapat nating tandaan, na ang inaakusahan, ang pinapa-impeach ay Chief Justice. Hindi yung mga abugado niya. Kaya siya dapat, personally, mag-appear siya doon sa House of Representatives. Kasi trial niya ito, hearing niya ito. Hindi ito hearing ng mga abogado niya. Ngayon yung sinasabi niya na yung right to counsel, papayagan namin iyan pagdating niya doon sa House of Representatives, puwede siyang magdala ng mga abogado niya. Pero kinakailangan na nandodoon siya. Hindi pupuwede yung abogado lang niya yung nandoon. Hindi naman yung abogado niya yung nireklamo rito kundi siya. Siya ang dapat na sumagot at humarap doon sa mga nag-aakusa sa kanya. Ito ay parte po ng due process na binibigay natin sa kanya.

Q: Salamat po.

Alvarez: Ok.

SHARE
Previous articleDOE holds fuel economy run
Next articleUmali to Sereno: Face your accusers
Concept Central
CONCEPTNEWSCENTRAL (CNC) is a news-gathering organization established by Concept Group Inc., a corporation operating under the laws of the Republic of the Philippines, with business address located at 3450 Concept Building, Florida Street, Makati City, Metropolitan Manila, the Philippines. Read More...

LEAVE A REPLY