Bad news or Good news?

0
18

Sa panahon ngayon, normal na ang ang masikip na daloy ng trapiko sa ating bansa, at ito ay isang problema na tila hindi na nasosolusyunan.

Halimbawa na lamang sa Quirino Highway na isang maliit na daanan, pero malalaki ang mga sasakyan na dumaraan dito kagaya ng bus at truck. Isa rin ito sa pangunahing daanan ng mga sasakyan, kaya normal na dito ang trapik dahil sa liit ng espasyo ng daanan.

Dito ngayon isinasagawa ang isa sa pinakamalaking kontsraksyon sa bansa at ito ay ang MRT 7 na nagdudugtong sa Bulacan at QC, at dahil sa pagsasagawa dito ay ginawang one way na lang ang daanan na dahilan kung bakit nag-iinit ang ulo ng mga motorista at nagdulot ng buhol-buhol na trapik.

Masasabi ba natin na ang proyektong ito ay may malaking ginahawa sa atin kapag ito ay natapos, o isang panibagong problema na naman?

Nawa’y matuldukan na ang problema na ito dahil maraming nasasakripisyo at sana lang magkaroon na ng matinong maintenance provider sa ating mga tren para hindi na maging sanhi ng malaking abala sa araw-araw na paglalakbay ng mga pasahero.

LEAVE A REPLY