Andanar sees grisly scene in Marawi

0
26
PCOO Secretary Martin Andanar. (RMN image)

Find out what PCOO Secretary Martin Andanar saw in Marawi City on Tuesday in the following transcript of his interview with Balitang Todo Wakas on DWIZ on Friday, Oct. 20, 2017.

Q: Sec. Martin, good morning.

SEC. ANDANAR: God morning, sir.

Q: Dapat good news muna tayo. Ano bang meron tayong good news na gusto mong i-anunsyo sa ating mga listeners nationwide at sa worldwide, Sec. Martin?

SEC. ANDANAR: Of course, ang pinaka-good news natin ay talagang libreng-libre na po ang Marawi para sa rehabilitasyon. Sapagkat kung matatandaan ninyo ay nabanggit noong… noong ni-liberate ni Presidente iyong Marawi meron pang mga nagsabi na meron pang isang dayuhan na pagala-pagala; eh pero wala, napuruhan na po kahapon.

Q: Iyong si Mahmud?

SEC. ANDANAR: Mahmud, doctor yata iyon. So, habang tuloy-tuloy iyong Task Force Bangon Marawi sa pagpaplano na kung ano iyong unang gagawin ano doon sa rehabilitasyon ay sabay namang napuruhan iyong doctor.

And then—so siyempre kung nababawasan sila ng mga opisyal nila eh mas nagiging maliwanag ang kinabukasan lalo na pagdating sa rehabilitasyon.

Q: Sec. Martin nandoon ka, kasama mo si Presidente, di ba, noong idineklara iyong liberasyon ng Marawi. Gusto kong matanong sa iyo, kasama ka ba sa talagang nakakita doon sa mga bangkay ni Hapilon at saka ni Omar Maute, tama?

SEC. ANDANAR: Oo, nakita ko talaga sa harapan namin ni Secretary Del Lorenzana, oo. Ito ay nangyari noong Lunes, nakita namin iyong bangkay and then binuksan talaga sa harapan namin ni Lorenzana at medyo hindi maganda iyong view of course ‘no. Kasi bukod kay Omar Maute pati kay Isnilon Hapilon ay meron pang mga pito na mga kasamahan nila na nasa loob din ng body bags doon sa labas. So, noong binuksan iyong kanilang body bags at tinanggal iyong nasa mukha na malong ay kitang kita mo talaga iyong mukha nila. Pasintabi sa mga kumakain, pero iyong kay Maute eh—

Q: Natapyasan ng ulo di ba?

SEC. ANDANAR: Oo, nabawasan iyong ulo. Tapos siyempre kitang kita mo…na medyo sariwa pa eh. Tapos ganundin iyong kay Isnilon Hapilon dibdib ng tama, makikita mo talaga. Eh yung ginamit po nila baril dito ay yung dinonate ng China.

Q: Iyong bago na ba?

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Iyong AK47?

SEC. ANDANAR: Hindi, iyong sniper. Iyon ang gamit. Eh kagabi nga nandoon ako sa Manila Hotel at officially pinasalamatan ni Pangulo si President Xi Jinping through Ambassador Jiao ng China na nasa harapan. Eh tuwang-tuwa iyong Ambassador eh. Sabi ni Presidente, maraming salamat at binigyan ninyo kami ng rifle, iyon ang gamit. Kapag made in China rin pala ay tumatagos din pala.

Q: Galing ano. Anyway, kaya ko lang natatanong iyon kasi alam mo na kung ikaw naman nasasabi na hindi iyon daw ang mga bangkay. Kaya ikaw ang tinatanong, kasi alam ko nandoon ka, eh ikaw naman ang pinamatangkad doon sa stage na nakita ko doon nung gumawa si Presidente ng deklarasyon na liberation of Marawi. Hindi mo maikakaila ikaw ang nandoon.

SEC. ANDANAR: Iyon talaga, nakita ko pati iyong mga langaw kita ko eh, ang daming langaw. Tapos nakita ko talaga na itong si Omar Maute pala magandang lalaki pala ito.

Q: Ito iyong mahaba ang buhok?

SEC. ANDANAR: Kamukha ni Robin Padilla, mukhang artista. Naalala mo iyong si Janjalani noon, di ba ang gandang lalaki rin.

Q: Oo naman, nagka-girlfriend pa nga iyan.

SEC. ANDANAR: Pag mga rebelde iyong mga lider nila—alam mo si Che Guevarra magandang lalaki rin. Sino pa ba? Si Fidel Castro di ba noong kabataan, hindi ba magandang lalaki.

Q: Anyway Secretary, iyong sinasabi nga na meron pang iba pang mga banyaga maliban dito kay Mahmud, ano iyon kumpirmado ba iyon na meron pang natitirang mga banyaga pa na mga miyembro na hinahabol pa?

SEC. ANDANAR: Alam ko si Mahmud talaga iyong pinakahinahabol eh. Kung meron pa siguro, baka hindi na masyado mataas sa ranking, pero wala na iyon.

Q: Mukhang matatapos na ito, although may mga nagsasabi na naman na mukhang premature iyong announcement ni Presidente ng liberation. Kasi pagkatapos ng announcement ay panay-panay ang labanan.

SEC. ANDANAR: Eh hindi iyon naman talaga… meron naman talagang mga isolated na ratratan, pero wala na iyan, na-corner na eh. Ang kanilang pag-asa na lamang ay sumurender.

Q: Tama naman iyong sinabi ni Presidente ‘surrender or die’ ‘no?

SEC. ANDANAR: Oo, saka ito’y ano, senyales ito sa nang uudyok at doon sa mga kalaban ng ating Pangulo, iyong mga nagbabalak na alam nila kung ano ang kanilang kahihinatnan. Hindi iyong Presidente natin ay isang Presidente na hindi mo puwedeng takutin. Eh talagang ito ay lulusob ng lulusob, hindi papayag na malugi ang taumbayan.

Q: Well, for the record, siya lang ang Presidente na talagang pupunta sa may battle area at for the record ay nakapitong biyahe, hindi ba, nakapitong dalaw si Presidente sa Marawi bago iyong ituloy ang liberation.

SEC. ANDANAR: Oo, siyempre, iyan ang Pangulo, iyan ang Commander-in-Chief. Hindi iyong Commander-in-Chief na nasa Malacañang lang, di ba. Ito Commander-in-Chief talaga na sumusugod.

Q: So, after this rehabilitation, reconstruction na at ang alam ko, ayon sa report eh, ikaw yata Secretary ang mamumuno sa isang information communication system para siya ang magbibigay ng regular na updates sa takbo ng reconstruction ng Marawi?

SEC. ANDANAR: Tama, tama ka. Iyon naman ay naatasan tayo ng ating mahal na Pangulo sa pamamagitan ng Task Force Bangon Marawi. Ang Executive Director doon ay si Usec. Yano at tayo naman ay sa information naka-assign. Magtatayo tayo ng TV station at radio station, maglalagay tayo ng Philippine News Agency saka PIA doon sa Mindanao State University at maglalagay din ako ng satellite office ko doon para masiguro natin iyong mga proyekto natin ng ating gobyerno ay napupunta talaga sa Maranao.

Kausap ko kahapon ang Ambassador ng China at ipinangako niya ulit kahapon na meron silang ibibigay na milyung-milyong piso para tulong dito sa ating mga radio station at kausap ko rin iyong Ambassador ng New Zealand na si Ambassador Strachan at sinabi niya na magbibigay sila ng capacity building, mga training para iyong mga broadcaster natin sa Marawi. Tapos sabi ko ang kailangan po namin doon Ambassador ay makipagbigay tayo ng scholarship, na mapapadala natin sa New Zealand iyong mga broadcaster natin sa Marawi, iyong mga papasok sa atin, para mabigyan sila ng karampatang training doon sa ibang bansa at saka maano sila ba…maitaas natin iyong kanilang morale, na makapag-aral doon sila abroad, ang sabi ko. Pumayag naman si Ambassador.

Q: Very good. Kausap mo iyong counterpart mo sa Bangon Marawi. Anong timetable ang pinag-uusapan dito, Secretary, kung kelan matatapos, mare-rehabilitate nang husto ang Marawi? Ilang buwan kaya ang abutin niyan?

SEC. ANDANAR: Well, taon ang aabutin nito hindi lang buwan. Pero doon sa mga shelters buwan lang iyan. In fact ngayong Disyembre merong mga daan-daang shelters ite-turnover, ngayong Disyembre pa lamang. Tapos—of course, iyong planning diyan involved kasi iyong local government unit eh ng Marami, involved sila sa planning. Sila naman ang nakaka-alam diyan. Pero iyong mga shelters, within a year ay tapos iyong mga temporary shelters na iyan. Hindi na po mauulit iyong Yolanda, hindi na mauulit iyon.

Q: So, Secretary sinasabi mo temporary shelters, ibig sabihin pansamantala lang at merong itatayong mga permanenteng mga structures.

SEC. ANDANAR: Meron din. Meron ding lugar na may permanent structures na itatayo. Pero ang mahalaga iyong temporary para maka—kasi tingnan mo iyong Marawi talagang wasak talaga. Talagang gibang-giba talaga saka…hindi naman maganda rin iyong urban planning ng Marawi City. Meron ding mga paglabag sa construction code, building code. Merong mga easement na hindi nasunod so kailangan gibain na iyon. Kailangang ayusin iyong mga drainage, etcetera. So it will take a year or two, three bago ito talagang makita mo iyong mga permanent structures na maayos. Mga three years iyan.

Pero iyong mga… the first shelters, iyong mga broadcasting station, iyong mga eskuwelahan, ospital iyon ang uunahin eh. So iyon ang inaasahan natin na mauna – iyong mga vital installation, vital services, building. Iyon, mauuna iyon. Of course, meron pang mga plano na dapat nating sundin, mga rekomendasyon na kung dapat bang gibain talaga iyon buong Marawi o gawin ba itong war memorial. May mga nagsasabi gumawa na lang ng bagong Marawi, tutal military reservation naman iyan eh.

Q: Ang importante, Secretary Martin, iyong trabaho, iyong pagkakakitaan ng mga babalik na bakwit, importante iyon – Kapital.

SEC. ANDANAR: Oo, iyon trabaho, pagkakitaan, basta babalik ito. Don’t worry iyong mga kababayan nating Maranao, Marawi will rise again from the ashes.

Q: Pinapatanong nung aking piloto dito, idol nito si President Donald Trump. Ano ang update ninyo sa Malacañang, mukhang—anong take ng Malacañang doon sa report na si Senator Trillanes ay nangangampanya – tama ba iyon – sa Amerika na wag papuntahin si President Donald Trump sa ASEAN Summit? Sec, anong take n’yo riyan?

SEC. ANDANAR: Well, alam mo hindi naman mga ano, hindi naman mga bobo iyong mga Amerikano eh. Alam naman nila kung ano ang tama o hindi. Alam naman nila kung ano iyong pangingialam or ano iyong hindi. So, I think si Senator Trillanes ata iyong unang gumawa niyan. Pero hindi naman po bobo iyong mga tao. Hayaan mo na siyang paikot-ikot doon. Wag na siyang bumalik.

Q: At this very hour na tayo ay nag-uusap eh walang feedback kung nagdadalawang-isip man itong si Presidente Donald Trump na pumunta ng Pilipinas, Secretary, wala?

SEC. ANDANAR: Excited tayong lahat na pumunta siya, I think save the best for last tayo eh. Tayo iyong last na pupuntahan, meron siyang tour sa Japan, sa Guam…may Guam di eh. So save the best for last ang Pilipinas. Mahalaga iyong Pilipinas ay pinapahalagahan ng ating pangulo diyan sa America Donald Trump ang ating Pangulong Rodrigo Duterte, so lahat ay excited. In fact, kausap ko iyong mga batch ko, excited silang makita iyong magiging meeting or iyong kung magkakaroon ng joint press conference si President Donald Trump at Rodrigo Roa Duterte.

Q: Alam ko kasama kayo dito sa ginagawang pagbalangkas ng DICT sa mga panuntunan sa paggamit ng iba’t-ibang mga ahensiya ng gobyerno sa social media, tama?

SEC. ANDANAR: Oo, sa social media?

Q: Oo, meron yatang mga panuntunan na gagawin kayo para sa paggamit ng mga government agencies?

SEC. ANDANAR: Ano-ano ba iyan, ano bang nakasulat?

Q: Sinasabi ni Undersectary Eliseo Rio ng DICT. Kahit sa PCOO ginagamit ninyo iyan eh.

SEC. ANDANAR: Oo, meron. Pero maganda rin na iyong agency na mismo ang nagsasabi na ito iyong mga panuntunan natin.

Q: Ikaw ba meron kang sariling podcast maliban sa alam mo na sa regular na updates sa media, meron ka pang sariling reporting system, hindi ba?

SEC. ANDANAR: Siyempre, kailangan natin iyan at alam mo naman na maganda kasi iyong meron ng talagang panuntunan at susundin lahat ng ahensiya ng gobyerno. Sinusuportahan ko iyan panuntunan na ginawa ni Secretary Eliseo, sapagkat masyado nang—

Well number one, sila naman iyong may hawak talaga mga government portal, di ba; and number two, kailangan talaga ng disiplina na. Siyempre meron kang mga nakikitang mga ahensiya na nagtatrabaho na minsan nagpe-Facebook kahit na nagtatrabaho, di ba. Kaya dapat merong oras ito, na tayo nagtatrabaho tayo. So iyong mga ganoon ba. Tapos iyong magko-comment ka about an issue na hindi naman dapat kang mag-comment dahil nasa gobyerno ka, iyong mga ganoon ba.

Q: Well, Secretary bago tayo magtapos sa ating interview ngayong umaga. Pasasalamat muna ng ating mga kapatid sa media, doon sa ini-announce mo sa National Press Club na magkakaroon na ng Presidente Duterte Media Medical Fund.

SEC. ANDANAR: Alam mo tayo ay nagpapasalamat kay Pangulong Duterte at pumayag siya na gawin natin itong programa na ito. At tayo din ay nagpapasalamat sa MVP Group of Companies dahil sila ay sumusuporta dito. Up to 1,000 media personnel or media practitioners around the Philippines and makikinabang dito. Iyong meron kang mga nilagay doon na mga sakit na kasama eh na puwedeng gamutin, kasama iyong diabetes, kasama na iyon.

Q: Oo, ang daming media nagkakasakit ng diabetes.

SEC. ANDANAR: Eh sa sobrang ano –sa lifestyle siguro iyan.

Q: Ngayon nga meron kaming dating reporter dito na nasa hospital si Sammy Martin. Ewan ko kung kilala mo si Sammy Martin? The last time na pala ito…naka-leave sa Philippine News Agency, Sec Martin, nasa ospital at nagki-chemo na stage 4.

SEC. ANDANAR: Mahirap iyong ganyan, di ba. So tayo naman ay iniisip natin iyong kapakanan ng mga media men and women sapagkat alam naman natin sa media eh mga mababa iyong bayad, mababa iyong sahod, tapos… lalo sa probinsya di ba, maliit talaga iyong kanilang monthly at minsan napapabayaan na nila iyong kanilang sarili para lang makapag-report. So para sa bayan iyan eh, sakripisyo iyon eh.

So we acknowledge that, kaya ginawan natin ng paraan na matulungan natin ang ating mga media friends. At hindi lang iyon, kausap ko rin iyong National Housing Authority kung papano tayo mabigyan ng pabahay. Ang daming walang bahay eh.

Q: Yes, ang daming nagre-retire na walang bahay.

SEC. ANDANAR: So makakuha man lang tayo ng discount di ba; o kung anumang paraan na hindi mabigat bayaran na pabahay sa probinsya. So Duterte Pabahay sa Media, parang ganoon di ba. So lahat ng ito gagawin natin para sa media eh nandito na rin ako, ako naman ay galing sa media at naiintindihan natin iyan, so tatrabahuhin natin iyan.

Q: Well, tutulong kami diyan sa National Press Club, Secretary, at meron kaming ibinabalita na itatayong ngang housing project namin dito sa BCDA.

SEC. ANDANAR: Aba meron pala kayo.

Q: Meron kami kaya lang natengga noong araw kaya ngayon ay nire-revive namin, magusap tayo.

SEC. ANDANAR: Tulungan tayo, tutal doon sa Media Medical Fund ay kayo ang mangunguna doon.

Q: Thank you, boss. Salamat.

SEC. ANDANAR: Salamat, mabuhay ka. Thank you.

LEAVE A REPLY