Pinoy, bakit ginagawa mo pa rin ang bawal?

0
57

MULA pagkabata, madalas nating gawin yung pinagbabawal ng ating mga magulang, sumusunod lang tayo kapag nasisita o napapagalitan na tayo. Masakit isipin pero kahit matatanda at naiintindihan na natin ang bagay-bagay, ginagawa pa rin natin ang alam natin na hindi sila sasang-ayon.

Lahat tayo naranasang gumamit ng cellphone habang naglalakad, kahit hanggang ngayon may batas na bawal gumamit ng cellphone habang nagda-drive, pero hindi naman sinusunod, dahil hanggang ngayon nakakakita ako ng mga nagda-drive habang gumagamit ng cellphone.

May batas na bawal manigarilyo sa pampublikong lugar, pero madalas kapag naglalakad ako pauwi sa bahay, may mga nakakasalubong ako na naninigarilyo, iyong tipong walang pakialam na bumubuga ng usok kahit maraming kasabay na naglalakad.

Sinasabi ng iba masunurin ang mga Pinoy, bakit? Kasi sa dami ng mga Pilipino sa ibang bansa, sinusunod nila ang mga batas sa bansang kanilang pinupuntahan o pinagtatrabahuhan.

Masakit isipin na masunurin ang Pinoy kapag nasa banyagang bansa dahil takot sa parusang maaari maipataw kapag nalabag ang batas ng naturang bansa. Tanong ko lang, bakit hindi masunod ng iba ang batas dito sa ating bansa? Hindi ba nakakatakot ang batas ng ating bansa?

LEAVE A REPLY