Hontiveros, Trillanes pabibo para sa Eleksyon 2022

0
40

MADALAS nating mapanood sa TV o mabasa sa diyaryo ang mga pangalang Risa Hontiveros at Antonio Trillanes. Sila ay dalawang opisyal ng gobyerno na tumutuligsa sa ating Pangulo dahil daw sa lumalaganap ang EJK sa Pilipinas. Mayroon daw mahigit 13,000 na kaso ng EJK and naitala ng PNP ngayong taon sa Pilipinas na pinabulaanan naman ni Trixie Cruz-Angeles sa isang Interview ni Karen Davila sa ANC patungkol sa fake news.

Ayon kay Trixie Angeles na isang abugado, ang mahigit 13,000 na EJK cases ay isang malaking fake news lamang dahil ayon sa statistics ng PNP may naitalang mahigit 9,000 na kaso lamang ng pagpatay sa unang taon ng termino ni Pangulong Duterte, hindi tulad sa unang taon ng termino ni Dating Pangulong Noynoy Aquino na may naitalang mahigit 11,000 na kaso ng pagpatay at mahigit na 13,000 na kaso sa sumunod na taon ng termino.

Ito ay isa lamang sa pinanghahawakang fake news nina Hontiveros at Trillanes upang mapatumba ang ating Pangulo ngayon. Ngunit ako’y nagtataka, bakit sa dami ng dapat atupagin ng mga opisyal na ito, inuuna pa ang mga bagay na walang katotohan at pawang kasinungalin lamang.

Ito ang aking palagay, naniniwala ako na hindi naman mahalaga kung ano ang pinaglalaban nina Hontiveros at Trillanes, wala naman talagang kaso kung tama o mali sila, ang pinakamahalaga ay makilala ang pangalan nila sa media, lumabas sa diyaryo ng madalas, lumabas sa TV ng paulit-ulit at marinig sa radyo ng marming beses, iyon ay sa kadahilanang lihim na pangangampanya para sa susunod na eleksyon sa 2022, upang hindi na sila mahihirapang magpakilala sa masa at madali na ang pagpapasikat nila.

Iyon lamang yun at wala nang iba pa, mga pabibong opisyal, ang daming kuda, wala namang gawa.

Sa iyong palagay ang aking opinyon ba ay:

A. Medyo Tama
B. Tama
C. Sobrang Tama

LEAVE A REPLY