Tambiolo

0
20
elmer

NARANASAN niyo na bang manalo sa raffle?

Kung oo, siguro alam niyo na yung pakiramdam ng pananabik na mabunot ang pangalan mo, yung tipong sobrang nanginginig na yung mga kalamnan mo dahil sa sobrang pagdarasal na sana mabunot ang pangalan mo, lalo na kung ang premyo ay ang grand prize.

Habang umiikot ang tambiolo, lumalakas din ang dasal mo na sana ikaw ang makuha, yung pangalan mo o numero mo ang mabunot para sa isang bagay na nais mong mapanalunan.

Pero alam niyo ba na maraming klaseng raffle sa mundo, at hindi lahat ay gugustuhin mong manalo ka? At may isang klase ng tambiolo na minsan, kahit hindi mo isinulat ang pangalan mo ay mabubunot at mabubunot pa rin?

Ito, mga kaibigan, ay ang tambiolo ng buhay.

Habang umiikot ang buhay na parang tambiolo, may malaking tsansa ka na mabunot… ang problema nga lang, hindi mo alam kung ano ang mapapanalunan mo.

Kaya naniniwala ako sa kasabihan na minsan, may mga taong malakas ang tsamba.

Masama o mabuti man, kapag ikaw ang nabunot, tanggapin mo na lang.

At least, hindi ba, may magsasabi sa yo kahit paano…

May nanalo na.

LEAVE A REPLY