Du30 to keep doing duty to people despite dip in rating — Panelo

0
39
OFWS' CHAMPION. President Rodrigo Duterte in a groupie with OFWs in Brunei in this file photo.

Presidential Legal Counsel Salvador Panelo says the President is not worried about the reported drop in his satisfaction rating. Panelo tells why in his interview with Punto Asintado on Aksyon TV on Monday, Oct. 9, 2017 with the transcript as follows:

COSIM: Good morning po sa inyo.

GUALVEZ: Good morning, sir.

SEC. PANELO: Good morning, Cheryl and Mon.

COSIM: Opo. Gusto lang po namin kayong kuhanan ng reaksyon dito nga po sa bagong survey, itong nilabas na survey ng SWS. Malaki-laki ang ibinagsak o isinadsad ng trust at satisfaction ratings ni Pangulong Duterte.

SEC. PANELO: Kung ako ang tatanuningin mo, inaasahan ko iyon. Kasi nagkaroon ng insidente, iyong kay Kian delos Santos, at saka iyong dalawa pa, kung saan nagkaroon ng perception na may police abuse. Marami ang nag-react including the President himself. (garbled) nga siya doon ‘di ba, pinakulong niya nga iyong mga pulis na iyon eh. Kaya expected na iyon.

Now, you will ask me kung maaapektuhan si Presidente. My answer is ‘no.’ Unperturbed siya doon. Why? Because, one, he has been repeatedly saying to all of us, ‘na hindi ako sumali diyan sa popularity contest. Ang tungkulin ko bilang Presidente, pangalagaan at pagsilbihan ang taumbayan. So whether you agree with my style of governance, whether you agree with me in this war on drugs, iyong tungkulin ko ang gagawin ko. (garbled) Magkasakit man ako dito, bumagsak man ang survey ko, wala akong pakialam doon. Basta ang trabaho ko ay gagawin ko.’ That’s the (garbled) this President, he couldn’t care less. His focus is his Constitutional duty to serve and to protect the people.

COSIM: Pero, Sec, hindi ho ba … kasi ho although sabi mo nga, inaasahan ninyo na ito, pero siyempre iyong ganoong kalaking pagbaba ay hindi rin dapat isawalang bahala lalo na’t survey ito at ito ay nagpapakita, nagpapaabot ng boses ng mamamayang Pilipino. At the same time ay siguro bigyan ng pansin o halaga para rin sa ikabubuti o kung paano mas mapapaganda ng Pangulo iyong kaniyang pagpapatakbo sa bansa, hindi ho ba?

SEC. PANELO: Binanggit mo na nagpapakita ng boses ng Pilipino, oh sige. We will confront the beast. Ano ba ang boses ng Pilipino? According to the survey, ang net rating, satisfaction rating ay 67%, ang unsatisfied is 19%. All right, sige, i-translate mo ngayon iyon sa population ng Pilipinas. Sixty-seven percent is roughly the equivalent of 67 million Filipinos supporting and satisfied with the performance of the President, as against 19% o 19 million. Oh di overwhelming pa rin ang sumusuporta. Iyan ang boses ng Pilipino.

COSIM: Tama ho kayo doon. Nandoon ho ako. Ako ay naniniwala na mataas pa rin ito. Iyong kaniyang ratings na nasa good pa rin ano at saka iyong kaniyang trust rating ay nasa very good pa rin. Ang pinupunto ko lamang ho dito ay iyong malaking dip nito na, in a way, oo, nandoon pa rin, majority pa rin po of the Filipinos—nararamdaman namin iyan kahit sa mga netizens—na talagang nananatili iyong suporta. It doesn’t mean daw po na nawawala iyong suporta sa Pangulo but actually doon sa naging performance o sa pagtatrabaho.

So siguro ito, in a way, ay ma-call lang iyong attention kung paano hina-handle, particularly, sabi ninyo nga po ay kung if we’re gonna… just going to talk about during the time of the survey, itong September 23 to 27, na dito nga yoong naging mainit iyong kina Carl Angelo, kay Kulot at saka kay Kian ay ganito nag-react ang taumbayan, lalo na ang pag-dip po ninyo, katulad kanina na nakausap namin na political analyst ay nasa Class E.

GUALVEZ: Nineteen points iyong binaba.

COSIM: Nineteen percent, so may kalakihan po iyon na pagbaba, na ito iyong malaking supporter ni Pangulong Duterte na sana ay hindi lang ipagsawalang bahala. But, you know, just … para magsilbing paalala kung paano nagre-react ang mga tao sa ginagawa ng administrasyong Duterte.

SEC. PANELO: Unang-una, iyong sinasabi mo na nag-react ang taumbayan, para kasing lumalabas iyong reaction eh overwhelming. Iyong nag-react, nag-react iyong portion ng taumbayan doon sa mga dati’y satisfied ‘no. Pangalawa, gaya ng sinabi na natin kanina, iyong survey na ito ay reactions sa nangyari. At sinasabi mo ngayon na dapat ipagwalang bahala, hindi naman nagwawalang-bahala. In fact, ginawan niya nga ng paraan, lahat kinangkung niya nga eh, ‘di ba.

COSIM: Oo, dapat hindi—

SEC. PANELO: Demanda niya—

COSIM: Yeah, I said, huwag ipagwalang bahala.

SEC. PANELO: Eh di pati yung kaniyang digmaan sa droga, di ba. Tuloy din iyong kaniyang hindi pag-tolerate sa pang-aabuso ng pulis, at paulit-ulit niyang sinasabi iyon.

COSIM: In general, ano ho ang—

GUALVEZ: Anong take ninyo po dito, sir?

COSIM: Well, like I said, the President is unperturbed with the survey ratings. As far as he is concerned, he’s (garbled), he’s going to govern his presidency, and that is to protect and to serve the people. So any again it will be geared towards that goal of serving (garbled) regardless of what they say of his mettle. Eh kung tatanungin mo iyong ordinaryong tao sa bansa, sinasabi nila, mabuti dumating si Presidente ngayon, dahil wala tayong lalakad sa kalye na natatakot.

COSIM: Secretary Sal Panelo, marami pong salamat sa inyong oras and good morning po.

SEC. PANELO: Salamat, Cheryl.

LEAVE A REPLY