Rated SPG

0
18

MAY naalala akong kuwento na nais kong ibahagi sa inyong lahat, pero babala, ang mga sumusunod na salita ay Rated SPG, striktong gabay ng magulang ang kailangan. Maaring may maseselang tema, lengguwahe, karahasan, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.

Ito ay isang kuwento na ipinadala sa akin sa pamamagitan ng isang liham, at ilalahad ko ang liham na ito ayon sa pagkakasulat nito.

“Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi, hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon….

Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang sa loob ng aking kuwarto, narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya. Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado ang pinto…

Hinawakan ni Itay ang braso ko, hinila niya ako ng malakas, napasigaw ako… sabi ko “ITAY! huwag…. anak mo ako!” Ngunit hindi tumigil ang aking itay kahit ako ay sumsigaw na
at nagmamakaawa… ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa sa akin. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha ng aking ama, na aking kinagisnan at iginalang
sa kababuyan na kanyang ginagawa…

Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto, sumisigaw na… “Hayop ka! wag mong gawin yan sa anak mo!” “Maawa ka sa kanya!!!!” “Baboy!!!!!” Ngunit wala pa rin, kaya ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos at ako’y nawalan ng malay.

Pagkalagpas ng ilang oras ay natapos din ang aking itay, at nang humarap ako sa salamin, nagulat ako sa aking nakita… magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Bakla pala siya. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa, at naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nag-iyakan.

Masaya na kami ngayon at walang problema. Maraming salamat sa pagbasa mo sa aking liham.

Lubos na gumagalang,

ARNULFO.

LEAVE A REPLY