Andanar: NBI investigating PNA ‘sabotage’

0
101
PCOO Secretary Martin Andanar (right) with Karambola hosts Jonathan dela Cruz, Jojo Robles and Conrad Banal. (MA Facebook grab)

PRESIDENTIAL Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar reveals why the National Bureau of Investigation is now investigating the suspected sabotage of the Philippine News Agency in the following transcript of his interview on DWIZ on Friday, Sept. 15, 2017
Q: Secretary, good morning sa iyo at welcome sa Karambola.

SEC. ANDANAR: Hello. Good morning sa Karambola, Jojo, Prof.

Q: Congratulations nga pala sa iyong natanggap sa award sa Australia.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat. Puwede na akong mamatay, kasi nandoon na iyong picture ko sa alma mater.

Q: Oo nga pala nag-aral sa Australia di ba.

SEC. ANDANAR: Yes, sir.

Q: Anung university nga ba iyon.

SEC. ANDANAR: Federation University of Australia, 147 years of education, in Ballarat City. It’s an hour away from Melbourne, it depends on the speed. Pero it’s a beautiful city, kasi iyong Ballarat it used to be a mining town, as in minahan doon grade, gold rush in the 1800s. So lumalaki iyong population kapag merong pasukan. Now, it’s a university town and because it was such progressive city before, during the 1800s, ang gaganda ng mga buildings, mga structures. Very Victorian.

Q: European style.

SEC. ANDANAR: Oo, European.

Q: Pero Martin mabuti nandito, kasi ang nasa balita pa rin ngayon ay mukhang inaayos n’yo na iyong problema ng Philippine News Agency natin, ng PNA. Ano bang update doon?

SEC. ANDANAR: Alam mo kasi, Jo, sa tinagal-tagal na—siguro alam n’yo naman siguro ang history ng PNA, di ba? 1986 from thereon declining siya sapagkat every time na merong magreretiro na editor or writer, hindi na napapalitan. That was a policy in ‘86, all the way to ‘93. And then at the same time, siyempre, nag-usbungan iyong mga diyaryo, lumipat iyong mga magagaling sa mga mas mataas ang suweldo, so nabawasan talaga ng kalidad.

Q: Talent.

SEC. ANDANAR: Oo. You know, I mean, whatever upgrade you do in technology, if you don’t have the quality manpower, wala rin. We all know this—

Q: Kailangan ng pera doon, Secretary.

SEC. ANDANAR: Tama, sir. Iyon po iyon eh. So, hindi nagbago iyong budget, all the way up to today and iyong size—the only time na nagkaroon ng rehiring from ’86 was in 1993. Pero it was—only 8 people were hired as regular employees. And then, now, ganun pa rin po iyong budget niya.

But you know, we are doing everything, we are maximizing the people, we’re prioritizing the budget kung saan dapat mapunta. At the same time, we are also getting the support of private journalism organizations or mga grupo ng mga mamamahayag tulad ng PPI, na tumutulong na; National Press Club; KBP; at iyong mga sila ni Boss Samonte, iyong mga dating sina-unang lider diyan sa PNA.

Q: Secretary Martin, ang nakakabahala ay iyong mga reports na diumano ay sinasabotahe ang ating Philippine News Agency?

Q: Cyber attack, parang ganoon.

SEC. ANDANAR: I want to put that into a proper context. Kasi noong Biyernes po, na lumabas iyong mga lumang failures ng PNA. Ang tinutukoy ko po ay iyong mga messages ng mga editors, na nakalagay, “Lei, paki-edit ito, paki-re-angle, ganun, ganun.” Noong naglabasan iyon, that’s completely a separate issue. So my issue there, kung wala kang intention na malicious na sirain ang PNA, bakit mo ibabalik iyong mga luma na iyon.

Q: May gumagawa nito, ibig sabihin.

SEC. ANDANAR: Oo. May gumagawa. Number two—

Q: Malisyoso.

SEC. ANDANAR: Malisyoso, Boss. Kasi—number two, iyong mga pagkakamali na iyon, happened in the old website, in the old system. So, it must have been somebody who had to go back to the old system, kinuha itong mga pagkakamali doon at pinost, ginawang viral.

Q: Somebody with access, madali’t-sabi.

SEC. ANDANAR: With access and also with the intention. Kasi online ito eh, so it’s open really to the public. So, that’s number one. Number two, iyon namang tinatawag na alleged hacking, meron kasing IP address na na-detect iyong grupo nila ni Usec. Joel Egco na pilit pinapasok iyong aming—

Q: Iyong lumang website.

SEC. ANDANAR: Oo, iyon ano mismo, dashboard, pinapasok. Iyong luma at iyong bago.

Q: Hina-hack from the outside.

SEC. ANDANAR: Oo, bakit mo papasukin, di ba. Bakit mo papasukin itong Philippine News Agency kung wala ka namang malicious intent na i-hack iyon or gumawa ng hindi maganda.

Q: Kaya n’yo bang i-trace kung sino iyon?

SEC. ANDANAR: Yes, sir. Na-trace na po namin iyong IP address. Nasa National Bureau of Investigation na po iyong kaso at aantayin na lang natin ang—

Q: Ire-raid nila iyon.

SEC. ANDANAR: Antayin na lang natin.

Q: Pero of course as you said, it’s a separate issue. Iyong problema natin sa lack of talent and lack of budget that makes our PNA…alam n’yo na di ba, iyong ginagamit iyong DOLE iyong istorya, iyong logo ng Dole Pineapple, iyong mga ganoon ay iyon ibang question iyon dito sa hacking.

Q: Those are separate issues.

SEC. ANDANAR: Yeah, separate issue iyon.

Q: Malaki talaga ang problema natin.

SEC. ANDANAR: Malaking problema.

Q: May value pa ba ngayon ang PNA, in the scheme of things?

SEC. ANDANAR: Yes, if you look at it, just plainly as Philippine News Agency na hindi natin babaguhin, talagang dapang-dapa, okay. But then again, it has a mandate of its own, meron siyang sariling MOOE, dumadaan sa budget enactment iyan. So—I mean, papayagan ba natin na iyong isang ahensiya porke’t ganun iyong kanyang estado ay hindi na natin i-maximize—

Q: Hindi nga, may papel pa ba sila sa society?

SEC. ANDANAR: Yes, there is a role for the Philippine News Agency for the Philippine society sapagkat ito lang ho ang nag-i-isa nating newswire dito sa bansa na matawag natin na atin talaga. While other countries like Malaysia, they have their own Bernama, China have their own—

Q: Malalakas iyong mga iyan.

SEC. ANDANAR: Malakas iyong mga iyon.

Q: Kasi iyong mga balitang nanggaling halimbawa sa mga probinsya, hindi naman makakarating sa ibang lugar iyan kung hindi dahil sa PNA.

SEC. ANDANAR: Yes. And I also believe, sir Conrad, na kapag minaximize natin ang PNA, with the current trend na bumabagsak po iyong readership ng diyaryo – iyong diyaryo natin, iyong physical newspaper talaga. If that really continues, then mawawalan din ng source iyong mga diyaryo natin na mag-hire ng mga journalist sa iba’t ibang probinsya. Now, with a state-sponsored news wire agency that is present in 20 bureaus around the country, it could be compliment the private newspaper, private televisions, radio stations, kasi this is our.

Q: Dati nga lahat ng diyaryo, diyan umaasa ng balita galing sa mga probinsya.

SEC. ANDANAR: Yes, sir, at in my time ano—

Q: Teka lang Secretary Martin, pareng Conrad. Bigyan daan natin ito, may malaking-malaking flash report tayo mula kay patrol #7.

(DWIZ FLASH REPORT)

Q: Let’s get back to Secretary Martin. Iyong papel ng PNA kailangan pa, so kailangan din ng reform ngayon?

SEC. ANDANAR: Yes.

Q: Papano mo magagawa iyong reform kung sinasabi mo merong—inside job ba iyong sabotage?

SEC. ANDANAR: Hindi ko masasabi kung ano, kasi siyempre pinag-aaralan pa ng NBI. Pero sa akin kasi, whether it’s sabotage or not, we have to move forward and we have to really reorganize, retrain and give it a shot in the arm. Kasi hindi naman puwedeng—okay nandiyan na tayo, maraming pagkakamali. In any organization, I mean you guys are organizational men also. Meron talagang mangyayaring mali sa isang organisasyon na binubuhay mo and this is part of it. And iyong hiccup na iyon hindi naman…hindi naman iyon dahilan na we’ve forgotten, we don’t do anything.

Q: May narinig akong mga intriga na iyong iba, kunwari iyong DOLE – iyong logo ng Dole Pineapple ang ginamit kasi sa DOLE – talaga palang deliberate na daw iyon. Because there are still some people inside the PNA na galing sa dating administrasyon, iyong panahon na iyon, so hindi naman sila matanggal basta-basta because they have security of tenure. So ito ba ay tinitingnan din?

SEC. ANDANAR: Well, nakakalungkot na…there is really a possibility, iyong ganyan Prof. Ang ginawa po namin is we gave them a choice, iyong mga nagkasala.

So, iyong first na pagkakamali, iyong nag-upload nung picture ng Vietnam sa istorya ng Marawi, nag-resign iyon. Iyong pangalawang gumawa ng istorya kay Asec Densing na minisquote si Asec Densing, nag-resign na rin. Iyong nag-upload po ng Xinhua News Agency, alam ninyo matagal na kasi, I think she’s been there for almost 30 years at handa na kaming kasuhan ng gross negligence ‘no. Pero nakiusap iyong ale, kasi ganyan-ganyan, etcetera.

Q: Bakit daw nagkamali, siya? Wala, iyon mga ganoon lang.

SEC. ANDANAR: Wala, ganoon lang talaga.

Q: So walang intension na pahiyain.

Q: Iyong sa DOLE.

SEC. ANDANAR: So, nag-retire iyong isa sa Xinhua. Iyong sa DOLE din naman, first offense niya in her entire career sa PNA. So, we were really bent on punishing her, I mean giving her the ano, talagang iyong—

Q: Kasi ang sama ng epekto sa image ng administrasyon.

SEC. ANDANAR: Exactly.

Q: Parang ginagawang…ang lumalabas na iyang PNA ay propaganda machinery nila.

Q: Kapag ganoon ang nangyayari, may mga fake news na lumalabas.

Q: Halimbawa doon sa UN, na kinakampihan daw ng UN ang Pilipinas, mga ganoon.

Q: Di bale sana kung propaganda ng gobyerno natin; in the case of iyong Xinhua incident, propaganda ng China ang ginagamit natin.

SEC. ANDANAR: Tapos iyong DOLE parang napagtawanan pa iyong DOLE at saka iyong administrasyon. So, the person who uploaded that, siya na mismo ang nagbigay ng parusa sa sarili niya. Sabi niya one year suspension, sabi niya. So, these are the things that we have to contend with and marami pang mga—sana wala nang magkamali, meron tayong mga binago sa sistema natin. We appointed Usec Joel Egco to be on top of that, siya iyong bastonero natin doon sa loob.

Q: Ang PNA within the salary standardization, iyong salary, iyong mga suweldo. So compared to the private sector, maliit.

SEC. ANDANAR: Mababa talaga. You join government because it’s a calling, iyon talaga iyong dapat mantra.

Q: Pero compared to the private sector.

Q: Kasama ba iyong PNA sa overall plan, sa communications plan ng Pangulo?

SEC. ANDANAR: Yes, sir, kasama po. Lahat ng available communications platform – PTV; Radyo Pilipinas; Philippine Information Agency; the National Printing Office na meron tayong Mula sa Masa na diyaryo; Presidential Communications online, iyong Facebook page; ang RTVM and the Philippine News Agency. Now, there is so much value in PNA, why? Hindi lang dahil ito nag-i-isang newswire agency ng bansa natin and it’s a wire agency that it should really represent the interest of every Filipino.

Number two, meron siyang network, kasama siya sa network ng mga wire agencies around the world. So therefore kung maganda nag PNA mo, maganda ang pagpapatakbo ay this will be consumed by the international market—

Q: Mapi-pick up din ng ano.

SEC. ANDANAR: Correct po kayo boss. This coming November after all of our changes in the website and application, tapos sa social media, this October we will begin the Philippine News Agency social newscast. So, meron na tayong parang sa Xinhua News Agency o Reuters, may sariling newscaster. So may magne-newscast. We are trying other fields to expand the reach of the Philippine News Agency.

Q: I’ve been around long enough sa diyaryo to remember na…ganito ang sistema namin noon. Kunwari halimbawa, may nabalitaan kami, may nangyario sa probinsya, sa isang probinsya, wala pa kaming detalye, tatanungin namin una: Meron ba tayong correspondent doon? Pag sinabing wala dahil liblib iyong pook, tatakbo kami sa PNA. Ganoon iyong PNA noon.

Q: Saka nakikipag-iskupan noon iyan sa mga diyaryo. Meron sarili silang reporters, hindi lang sa probinsya kung hindi dito sa Metro Manila.

SEC. ANDANAR: It is has gone full circle kasi, Jo. ‘86 nawala iyong mga empleyado ng PNA, because nag-usbungan iyong mga diyaryo; ngayon na babagsak iyong readership. Now, I have a feeling that PNA will be a great savior for our journalists also. Kasi meron silang MOOE, meron silang sariling mandate sa gobyerno na ang gawin eh. Now, if the government supports Philippine News Agency, we still have a last bastion na para doon sa mga journalist na mawawalan ng trabaho, puwedeng magtrabaho doon. At this can also save organizations, newspapers.

Q: Ibahin naman natin. Punta tayo kay Mocha Uson. Kasi ang isa sa pinaka-colorful mong assistant secretary. Kasi ‘di ba, nagkaroon ng issue tungkol po doon sa pagpasok niya sa mosque na hindi siya naka-hijab, at hindi niya inalis iyong kaniyang sapatos; tapos iyong issue ng pagpe-perform niya sa casino.

SEC. ANDANAR: Well, iyong sa mosque, humingi na ng paumanhin si Mocha, na… well the intention to cover was there, na it was never an intention to insult the religion and the tradition of our Muslim brothers and sisters. So humingi na siya ng paumanhin doon. Doon naman sa pagsasayaw sa loob ng Bar 360—legally kasi under talaga ‘yan sa Office of the President, lahat ng appointees. So the Legal Department of the Office of the Deputy Executive Secretary, they’re already handling it. Hindi ko alam kung anong kanilang desisyon tungkol diyan. Pero I remember, when Mocha came into office, before she took her oath of office ay kinausap niya ako about mga kontrata niya—

Q: Iyong mga contractual obligations niya.

SEC. ANDANAR: Oo. So sabi ko, wala namang problema basta’t…

Q: Basta hindi lalabag sa rules.

SEC. ANDANAR: Hindi lalabag sa batas, oo.

Q: So Martin ha, iba rin ‘to ‘no. Medyo nagmamarakulyo sa social media ‘yung iyong predecessor, si Edwin Lacierda. Mukhang naggi-give up na sila dito sa social media, iyon ang dating sa akin, at nananawagan na sila na—to be road warriors and take to the streets. Ano bang tingin mo diyan sa continuing problem? ‘Yan ang gusto ko talagang i-address mo, iyong continuing situation na walang humpay ‘no, at mukhang well-funded iyong operation ng propaganda laban sa administrasyon – with no less than the old the propagandists of the previous administration ang nagunguna dito. Do you see this as threat?

SEC. ANDANAR: Hindi naman threat ‘yan, si Atty. Lacierda ay mayroon naman siyang karapatan to express his own beliefs. Mayroon naman siyang karapatan na pumunta sa kalye at magprotesta, maglabas ng kanilang mga saloobin, etc. It’s really up to them, at sinabi nga ni Presidente Duterte na—

Q: Dineklare nga niyang holiday (laughs).

SEC. ANDANAR: Oo, holiday tapos puwede siyang magprotesta as long as wala lang kayong—

Q: Magsunog pa nga ng effigy sabi niya eh…

SEC. ANDANAR: Oo (laughs)… basta huwag lang silang manira ng kung anu-anong mga bagay…

Q: Parang pinalalabas kasi, lalo na—

Q: Eh ang corny naman ni Duterte. Dapat iyon sinisikil na… para gumanda ang image ng mga nagpoprotesta – “Inaapi tayo! Ayaw tayong pagprotestahin.” “Pinoy…,” sabi, corny iyon.

Q: Kaya nga hinihintay ko kung anong sasabihin nila. Pero talking about social media nga pala, ‘di ba mayroon na tayong mga—iyong ibang mga social media ina-accredit na rin ‘di ba? Nagreklamo dito ang traditional media ‘di ba, nagkaroon ng issue na bakit kailangang i-accredit ang social media as a Malacañang Press…

Q: Journalist ba sila?

SEC. ANDANAR: Well, hindi naman talaga sila journalists. They are really social media practitioners and bloggers, and we are taking this a step at a time. In fact, mayroong plano na mag-observe iyong mga social media practitioners at pinag-uusapan naman namin ito, nila ni Ernie at nila Mocha; at the same time, kausap ko rin iyong Malacañang Press Corps. Sabi ko nga sa Malacañang Press Corps, bilisan ninyo na iyong inyong version ng—sa part ninyo para ayusin natin. Kasi sa ngayon interim pa lang iyong, hindi naman final.

Q: Iyong ano mo Martin, sa totoo lang, hindi naman tayo nag-imbento niyan eh. In the Washington Press Corps, actually accredited na rin ang mga bloggers, matagal na ha.

SEC. ANDANAR: Matagal na…

Q: Matagal na, so I don’t really see that as a problem. Speaking of Washington, ang gusto kong malaman sa’yo, ito importante… kasi gulping-gulpi tayo sa foreign media, hanggang sa ngayon ‘no.

SEC. ANDANAR: Naku, sinabi mo Boss. Kaya nga pumirma ako ng bagong request na naman…

Q: Ito ang problema natin actually, if you ask me it’s not the local media eh, medyo okay naman tayo rito eh. Pero napakalinaw ng disparity, ng problema sa coverage, iyong bias kitang-kita when you read—at nakakalungkot ito dahil sa dami ng Pilipino abroad, the foreign press. Ano ba ang gagawin natin—

Q: Anong magagawa natin doon?

SEC. ANDANAR: Salamat at tinanong mo iyong tanong na ‘yan, kasi September of last year ay ni-recommend nga ni Pangulo na magtayo ng—ibalik iyong mga press attaché natin. Tapos nagkaroon ng konting problema sa DBM, so wala tayong kakampi (laughs) para itulak ito na press attaché kasi wala daw budget. Pero pumasok si Secretary Alan Cayetano, and nag-usap kami ulit tapos binuhay namin iyong recommendation na mag-appoint ng—

Q: Press attaché.

SEC. ANDANAR: Kahit papaano mga sampung attaché – dalawa sa America at sa iba’t ibang mga bansa na mayroon tayong magandang—o mayroon tayong interes.

Q: Saka mayroong ano… saka malaki iyong community ng Pilipino. At saka…

SEC. ANDANAR: Middle East, kailangan iyon, oo Middle East.

Q: At saka mayroon din, iyong siguro doon sa mga lugar na parang epicenter ng geo-activity like US at saka Europe.

Q: Napaka… bugbog na bugbog tayo sa foreign press, iyon hindi pa natin na-address talaga ever since.

SEC. ANDANAR: Iyon talaga po, ako aminado naman ako na doon tayo bugbog and at the same time… mahirap kasi, ano eh… mahirap balansehin sapagka’t si Presidente, ayaw din niyang gumastos ng PR money abroad. Kasi usually ang ginagawa ng mga bansa, any country for that matter, they hire a public relations…

Q: Mahal iyon.

SEC. ANDANAR: In New York, mga Burson-Marsteller, sa Washington—Ang mahirap pa doon, Prof, is that you’re not only hiring one, hiring one PR. You must hire the PR for the Democrats and the PR for the Republicans.

Q: So mas lalong mahal.

SEC. ANDANAR: Oo (laughs).

Q: Pero, anong gagawin natin kung iyon ang kalakaran, eh natatalo ang—well at least sa international media.

SEC. ANDANAR: At least—sa palagay ko nga ang solusyon dito is to hire a press attaché. Mag-poste talaga doon sa—

Q: Well ako ang tingin ko diyan Sec. eh, okay iyong lumaban ka kung alam mo talagang iyong media doon ay patas. Eh pero, paano kung may nagsususi din? Halimbawa CIA, kaya mo bang labanan iyon, iyong machinery ng CIA?

Q: Hindi, ganito Pareng Conrad, ang problema natin, I think. Matagal ko na ring pinag-aralan itong problema natin, we don’t even have people there that journalists can call to get the official side. Alam mo naman iyong right of reply, kailangan balansiyado iyong istorya.

SEC. ANDANAR: Correct.

Q: But they don’t even have anyone to talk to. I’m talking about PR, iyong sinasabi niyang press attaché, that’s—

Q: Eh ‘di Ambassador will do it.

SEC. ANDANAR: Hindi, masyadong busy po si Ambassador—

Q: Oo, sa dami ng—

SEC. ANDANAR: Sa dami eh. For example si, iyong chargé d’affaires—

Q: Hindi, pare kung importante iyong media sa iyo eh… as an ambassador, ako, I’ll give that priority.

Q: If you noticed kasi, para sa akin, 99% of the time ‘pag may nilabas ang foreign media, banat sa ’tin; number two, there is no side of the Philippine government, official or even if they are required to come out with a statement.

Q: For that matter, hindi lang naman si Duterte ang namroblema diyan.

SEC. ANDANAR: Marami.

Q: Pati noong mga nakaraang administrasyon, napakalaking problema niyan.

SEC. ANDANAR: Oo, saka maraming bansa rin namomroblema ng…

Q: Kasi para sa kanila, open season ang Philippines eh.

Q: Iyon na nga ang mahirap doon eh.

SEC. ANDANAR: Oo…

Q: But you know and I know na they are required to come up with—kahit ano, kahit maliit lang, iyong side ng gobyerno. Eh ngayon wala akong nakikita doon eh, iyon ang malungkot.

SEC. ANDANAR: Sa America kasi, sa New York, sa… kahit saan sa America, importante na mayroong nakakausap na nakaposte. So ‘pag iyong nakaposte na iyon, kailangan niya ring i-build iyong relationship.

Q: Pero sa panahon ngayon na madali nang mag-communicate, iyong mga news outfits diyan, kaya naman pumunta’t tumawag dito sa Manila eh.

Q: Hindi, ang problema eh they cannot do that. Wala sila noong ganoong klaseng access. They don’t even know who to call. You think they’ll go to the Malacañang switch board? I don’t think so.

SEC. ANDANAR: Ganito kasi, most of them—some of them, they call us. They call Ernie, they call me… we reply. Pero iba ho—the reality is that kung may nakaposte kasi doon—

Q: Iyon ang tutok niya?

SEC. ANDANAR: Tutok niya, and then mayroon siyang public relations. Mayroon siyang trabaho na ilabas iyong paper ngayong gabi… ngayong gabi idi-dinner daw si New York Times, o bukas idi-dinner ko si… So it’s really—

Q: Papaliwanag mo iyong side ng government.

SEC. ANDANAR: Oo.

Q: Tatawag na iyon doon kay New York Times, na ‘pag may kailangan ako sa Pilipinas, ah ito ang tatawagan ko.

SEC. ANDANAR: Oo…

Q: Personal relationship, iyon ang kailangan.

SEC. ANDANAR: Oo, building relationship eh.

Q: So anong chances na ma-a-approve ito, na magkakaroon tayo ng press attaché?

Q: Matagal na tayong ginugulpi sa—

Q: Parang gusto ko tuloy mag-apply (laughs) sa retirement ko

SEC. ANDANAR: Puwede naman. Si—

Q: Kasi may background ako ng media kahit konti.

SEC. ANDANAR: Hindi, si—

Q: Magre-retire na ako eh, parang gusto ko iyong press attaché sa America eh.

SEC. ANDANAR: Si Jojo nga sa… si Jojo nga eh ano eh irerekomenda ako Washington, D.C. eh…

Q: Eh huwag mong aalisin dito ‘yan.

SEC. ANDANAR: (Laughs)

Q: Mang-aaway ako.

Q: Ako, magre-retire na ako. Parang gusto kong mag-press attaché sa Europe.

SEC. ANDANAR: Dapat kasi—kailangan talaga eh.

Q: Hindi, ang tingin ko halimbawa US—

Q: Oo ‘yan, Japan… partner natin ‘yan, China…

Q: EU, European Union…

Q: Kahit anywhere lang ng North America, puwedeng pagsamahin na ang Canada at—

Q: Huwag iyong UN, pabayaan na natin iyon.

Q: Bigyan natin si Sec. Martin Andanar na magbigay ng—

Q: Naku ang dami pong text ha. Sec., ang daming text dito, nagre-react sa inyo. Pero…

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa Karambola at salamat Conrad, Jojo at Prof. Salamat sa pagkakataong ito, DWIZ at patuloy po nating suportahan ang ating government media. Ginagawa po natin ang lahat para ito po ay mas malawak ang marating ng PTV, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency at PIA.

Mayroon pong mga konting gusot sa PNA, at marami pa diyan na mangyayari, pero rest assured na ginagawa po natin, na pinapalakas talaga natin. Ang inaalis natin iyong mga problema, we’re finding solutions to it, and I am sure that after 6 years ‘no, or after 5 years from now, PCOO will come out as a stronger organization compared to the PCOO of 2016.

Q: Thank you, Secretary. ‘Yan po, Secretary Martin Andanar.

SEC. ANDANAR: Salamat po.

LEAVE A REPLY